Sunday, January 20, 2013

Paalam Na

Inabutan na nang tanghali
Ang buong gabing pag-ulan

Marahil iniiyakan itong
liham ng pag-lisan

Huwag mag-alala hindi ka na pipigilan

Huwag mangamba wala ka nang
rason pang kailangang bitawan

Umpisa pa man batid at tanggap nang
Isang araw kung anong meron tayo ay iyo ring iiwan

Hindi na mangagarap pa ng bukas na narooon ka mag-pakailanman

Saan man dalhin ng mga hakbang na
Nuong araw ako ang dahilan

Dalhin mo ang dalanging walang bahid ng puot
O ano mang pag-aalinglangan

Na ang buhay mo ay maging matiwasay
Puno ng kaligayahan

Mag-kakasya na sa alaalang minahal mo
Kahit minsan

No comments: